Ad Code

Talisay, Cebu councilor, nagawang iiwas ang ulo bago magulungan ng nakabanggang fuel tanker

Mapalad na nakaligtas ang isang konsehal matapos siyang mabangga at kamuntikang magulungan ng fuel tanker sa Talisay, Cebu.

Sa ulat ni Jamie Santos sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado, mapapanood sa video ng City of Talisay Traffic Operations and Development Authority na nasagi ng fuel tanker ang motorsiklong sinasakyan ng konsehal na si Socrates Fernandez, na dati ring mayor ng lungsod.

Bumagsak ang kaniyang motorsiklo, pero bago pa magulungan ang kaniyang ulo, saktong napaupo siya.

Ayon sa driver ng truck na si Andrelle Billones, sinubukan niyang iwasan ang motor pero nasagi pa rin niya ito.

Nagkausap na sina Fernandez at Billones. -Jamil Santos/MDM, GMA News



Talisay, Cebu councilor, nagawang iiwas ang ulo bago magulungan ng nakabanggang fuel tanker
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu