Ad Code

SUV, bumangga at pumasok sa doughnut shop sa isang mall sa San Juan

Isang SUV ang bumangga at pumasok sa isang doughnut shop sa isang mall sa San Juan.

Ayon sa isang ulat sa 24 Oras nitong Linggo, nawalan ng kontrol ang driver ng SUV kaya humarurot ang kaniyang sasakyan papasok sa nasabing tindahan.

Nagkalat ang basag na salamin sa tindahan at makikitang nakadikit na sa counter ang sasakyan.

Wasak din ang likurang bahagi ng isang taxi na nabangga rin ng SUV.

Walang nasaktang staff at nakipag-areglo na rin ang driver sa mga nadamay. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News



SUV, bumangga at pumasok sa doughnut shop sa isang mall sa San Juan
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu