Ad Code

Lalaki, gumuguhit ng mga portrait gamit ang kaniyang mga paa

Kinabibiliban ang isang lalaking tiga Laguna dahil sa kaniyang talentong gumuhit gamit ang kanyang paa.

Ayon sa isang ulat ni Katrina Son sa 24 Oras nitong Linggo, sinilang ng walang kamay si Bermin Rigor pero bata pa lang ay mahilig na siyang gumuhit.

Mas nahasa raw ang kaniyang talento nitong pandemiya dahil gusto niyang makatulong sa kaniyang amang construction worker.

Bawat obrang kaniyang ginagawa ay tumatagal ng isang araw bago matapos.

Minsan naman ay tatlong araw hanggang isang linggo. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News



Lalaki, gumuguhit ng mga portrait gamit ang kaniyang mga paa
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu