Ad Code

KSA, HK, kabilang na sa mga bansang nasa COVID-19 ‘green’ list– IATF

Kabilang na ang Kingdom of Saudi Arabia at Hong Kong sa 42 na bansa at mga teritoryo na nasa COVID-19 “green list” ng Pilipinas dahil sa mababang kaso nila ng coronavirus. Pero bawal pa ring pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

Dahil dito, papayagan na ang mga fully vaccinated travelers na manggagaling sa mga bansa at teritoryong nasa “green list” na hindi na mag-quarantine pagdating sa Pilipinas.

Bukod sa Hong Kong at Saudi Arabia, nasa “green list” din ang:

-American Samoa
-Bhutan
-Chad
-China (Mainland)
-Comoros
-Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
-Falkland Islands (Malvinas)
-Federated States of Micronesia
-Guinea
-Guinea-Bissau
-India
-Indonesia
-Japan
-Kosovo
-Kuwait
-Kyrgyzstan
-Malawi
-Mali
-Marshall Islands
-Montserrat
-Morocco
-Namibia
-Niger
-Northern Mariana Islands
-Oman
-Pakistan
-Palau
-Paraguay
-Rwanda
-Saint Barthelemy
-Saint Pierre and Miquelon
-Senegal
-Sierra Leone
-Sint Eustatius
-South Africa
-Sudan
-Taiwan
-Togo
-Uganda
-United Arab Emirates
-Zambia
-Zimbabwe

Noong nakaraang buwan, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang mga maglalakbay mula sa mga nabanggit na lugar ay dahil magpakita ng negative result ng RT-PCR test na ginawa sa loob ng 72 oras bago bumiyahe. before departure.

Pagdating sa bansa, kailangan silang sumailalim sa home quarantine sa loob ng 14 araw.

Nasa “red list” o mataas ang hawahan ng COVID-19 sa Faroe Islands at The Netherlands, kaya bawal pa ang mga tao rito na bumiyahe sa Pilipinas.

Ang iba pang bansa at teritoryo ay nasa “yellow list.”

Ang bagong listahan ay mananatili mula November 16 hanggang 30, ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Nilinaw naman sa hiwalay na pahayag ng Immigration Commissioner Jaime Morente, na hindi pa rin puwedeng pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

“Following IATF resolutions, currently, only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas that would be coming from countries under the Green or Yellow list may be allowed to enter the Philippines,” paliwanag niya. — FRJ, GMA News



KSA, HK, kabilang na sa mga bansang nasa COVID-19 ‘green’ list– IATF
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu