Ad Code

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng bakal sa ginagawang NLEX-SLEX connector road sa Maynila

Arestado ang isang lalaking nagnakaw umano ng bakal sa ginagawang NLEX-SLEX connector road sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Miyerkules. 

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Eairol Torno, 20 anyos. Kasama raw nito sa krimen ang isang lalaking menor de edad. 

Nahuli ni Luis Frigillana, isang barangay kagawad sa Sampaloc, ang mga suspek.

Giit daw nina Torno ay pangkain lang nila ang makukuhang pera sa mga nakaw na bakal ngunit napansin ng kagawad na marami ang mga ito. 

Itinanggi naman ng suspek sa media ang pagnanakaw.

Binigay lang daw sa kanya ng contractor ang mga bakal. Ayon naman sa barangay kagawad, hindi raw contractor ang tinutukoy ng suspek kundi isang bodegero.

Giit ni Frigillana, nagsabi raw ang contractor na walang ebidensya na ibinigay sa suspek ang mga bakal. Hindi pa nakukuha ang panig ng contractor kaugnay ng insidente.

Mahaharap si Torno sa kasong theft. Nabawi naman ang mga nanakaw na siyam na scaffolding materials na nagkakahalagang P10,000.

Sabi ng barangay, lagi raw nananakawan ng mga bakal ang ginagawang NLEX-SLEX connector road kaya pinadagdagan ng mga ilaw sa lugar tatlong buwan na ang nakalipas.  — Sherylin Untalan/VBL, GMA News



Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng bakal sa ginagawang NLEX-SLEX connector road sa Maynila
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu