Ad Code

Lalaking nasa ibabaw ng truck, patay nang malaglag matapos sumabit sa nakalaylay na kable

Isang trabahador na lalaki na nakasakay sa ibabaw ng truck ang nasawi matapos siyang sumabit sa nakalaylay na kable at mahulog mula sa sasakyan sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa ulat ni Ivy Hernando sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Jorell Serdenia, 29-anyos.

Ayon sa awtoridad, nakasakay sa ibabaw ng truck ang biktima kasama ang iba pang kasamahan.

Nakagawa umano ng biktima at mga kasama nito na makayuko sa unang nakalaylay na kable na nadaanan nila.

Pero sa sumunod na kable, sumabit ang biktima sa pag-angat nito ng ulo at nahulog mula sa truck.

Napag-alaman na isang kasamahan din ng biktima ang nauna nang nasangkot sa katulad na insidente pero mapalad itong nakaligtas.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Ilocos Sur Electric Coopertive para alamin kung anong kompanya ang may-ari ng kable kung saan sumabit ang biktima.

Ayon kay Anel Fernandez ng sub-area manager ng ISECO, kabilang sa mga kableng ito ay mula sa telcos, cable network, pati na sa mga CCTV, at streetlights.

Sa mga barangay, dapat daw ay nasa 15 feet ang taas ng mga kable.–FRJ, GMA News



Lalaking nasa ibabaw ng truck, patay nang malaglag matapos sumabit sa nakalaylay na kable
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu