Ad Code

Illegal recruitment agency umano sa Makati, ipinakandado ng DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Martes ang isang immigration consultancy firm sa Makati City dahil sa umano’y illegal recruitment operations.

Personal na pinuntahan ni DMW Secretary Susan Ople, kasama ang Makati City police, ang naturang consultancy firm sa San Lorenzo upang ipatupad ang closure order.

“[Ito ay] example ng consultation agency na nagpapanggap na recruitment agency,” sabi ni Ople sa mga mamamahayag.

“‘Di siya lisensyado ng POEA [Philippine Overseas Employment Administration], naninigil siya, nangongolekta ng resumes ng mga workers,” ani Ople.

“Nagpapaasa [sa] mga worker na makapag-work sila sa abroad pero alam naman natin na ang pwede lang magpa-alis ng mga workers natin ay mga lehitimong recruitment firms,” dagdag niya.

Ayon pa sa kalihim, nag-aalok umano ang ipinasang kompanya sa mga aplikante ng trabaho sa iba’t ibang bansa kabilang sa South Korea at Canada.
Naniningil daw ang kompanya ng placement fees nang mula P80,000 hanggang P200,000 sa bawat aplikante.

Nalaman umano ni Ople ang ilegal na gawain ng kompanya mula sa sumbong ng Philippine labor attaché sa South Korea.

“Kung titingnan niyo napakaganda kasi corporate ang look niya eh. Pero kung ang singil ay P80,000 to P200,000, kada biktima ng illegal recruitment, they can really afford the sophisticated websites, social media platforms. They can invest in that,” ani Ople.

“So if it’s too good to be true, then it’s probably and usually not true. Mag-ingat na lang po,” paalala niya.

Muling babala ni Ople,  “zero-telerance” ang ipatutupad ng gobyerno sa lahat ng illegal recruiter.

Ang naturang kompanya sa Makati ang ika-apat na umano’y illegal recruitment agency na ipinasara ng DMW. — FRJ, GMA News



Illegal recruitment agency umano sa Makati, ipinakandado ng DMW
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu