Ad Code

1 patay matapos salpukin ng nag-overtake na van ang tricycle sa Quezon

Patay ang isang pasahero at apat ang nagpapagaling pa matapos salpukin ng isang nag-overtake na van ang sinakyan nilang tricycle sa Gumaca, Quezon.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, makikita sa isang dash cam ang pagbaybay ng tricycle sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Villa Padua.

Pero ilang saglit ang lumipas, bigla na lamang sinalubong ng nag-overtake na van ang tricycle.

Tumilapon sa kalsada ang driver at ang limang pasaherong sakay nito sa tindi ng salpukan.

Agad sumuko ang driver ng shuttle van, na hawak na ngayon ng pulisya. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News



1 patay matapos salpukin ng nag-overtake na van ang tricycle sa Quezon
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu