Ad Code

Bata sa Bulacan, nalunod sa irigasyon matapos tangkaing kunin ang nahulog na tsinelas

Isang bata sa San Rafael, Bulacan, ang nalunod sa irigasyon nang tangkain niyang kunin ang nahulog niyang tsinelas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student.

Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa nasabing irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado para manuod ng mga namimingwit ng isda.

Nalaglag daw sa irigasyon ang tsinelas ni Anthony at nahulog siya nang tangkain niyang kunin ito.

Tinangka pang sagipin si Anthony ng mga residente pero nabigo sila dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Tumagal ng anim na oras bago nakuha ng rescue team ang katawan ng biktima, na kasalukuyan nang nakaburol sa kanilang bahay.  —KBK, GMA Integrated News



Bata sa Bulacan, nalunod sa irigasyon matapos tangkaing kunin ang nahulog na tsinelas
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu