Ad Code

‘Reborn doll,” inaruga na parang tunay na sanggol ng babaeng nagkaroon ng miscarriage

Kakaiba raw ang naging epekto sa isang babae nang nagkaroon ng miscarriage o makunan ng anak. Dahil hindi umano matanggap ang pagkawala ng dinadala niyang sanggol, nagkaroon raw siya kakaibang anak na ‘reborn doll’ kung tawagin.

Sa video ng “News Feed,” makikita na binibigyan ni Toni Daly, ng gatas ang kaniyang mga “anak,” binibihisan, at pinagawan pa ng nursery.

Ayon kay Toni, nakunan siya noong June 2017.

Nasa 12 weeks na noon ang kaniyang ipinagbubuntis, at mag-isa lang niyang hinarap ang pagsubok na iyon sa buhay dahil naghiwalay sila ng kaniyang partner.

Dahil hindi matanggap ang pagkawala ng magiging baby, nakaapekto raw ito nang husto sa kaniyang mental health.

“I started having phantom pregnancies and experienced morning sickness, tender breasts and I felt like something was moving inside of me. It was really tough especially after going through child loss,” saad niya.

Ang phantom pregnancy o pseudocyesis ay isang kondisyon na nagkakaroon ng sintomas ng pagbubuntis ang isang babae kahit walang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Hanggang sa nagdesisyon siyang magpatingin sa psychiatrist at bumili ng reborn doll na pinangalan niyang “Ben.”

“When I held him, these symptoms would slowly go away. He helped me feel happier and with my anxiety and depression,” saad niya.

Dahil sa epekto sa kaniya ni Ben, bumili pa siya ng mas maraming manika na sina “Hazel,” “Emmanuela,” “Thalia” at si “Lucas,” na isang memorial baby.

Itinuring niya ang mga ito na totoong mga sanggol at isinasakay pa sa stroller para ipasyal.

“There are so many reasons women have the dolls. It could be that someone has lost a child or can’t have children of their own. I’m not hurting anyone by having my dolls,” ani Toni. — Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News



‘Reborn doll,” inaruga na parang tunay na sanggol ng babaeng nagkaroon ng miscarriage
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu