Ad Code

Hot noodles soup sa Russia, nagyelo sa lamig bago pa makain

Dahil sa sobrang lamig, nagyelo ang noodles bago pa man ito makain ng isang netizen sa Yakutia, Eastern Russia.

Sa ilang video, na iniulat sa Saksi, mapapanood na tumigil sa ere ang tinidor at noodles, at nanigas din ang sabaw bago pa makain ng netizen.

Epekto ng nararanasang Siberian winter ang sobrang lamig sa lugar.

Inaasahang babagsak pa sa -52 degrees Celsius ang temperatura sa Yakutia sa mga susunod na araw. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News



Hot noodles soup sa Russia, nagyelo sa lamig bago pa makain
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu