Ad Code

Batang lalaki, nalunod sa ilog sa Caloocan City

Nalunod ang isang batang lalaki sa ilog sa Caloocan City noong Huwebes at natagpuan ang kanyang katawan matapos ang ilang oras na paghahanap.

Sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabi umano ng nagngangalang Francisco Lara na nangingisda siya sa ilog noong Huwebes nang marining niyang nanghihingi ng tulong ang ilang bata dahil nalunod umano ang kanilang kasamahan.

Inabot din umano ng ilang oras ang paghahanap bago nakita ang katawan ng bata.

Kwento umano ng mga kasamahan, nabitiwan ng biktima ang kanyang floating device kaya siya lumubog. —LBG, GMA Integrated News



Batang lalaki, nalunod sa ilog sa Caloocan City
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu