Ad Code

Higit P12-M Mega Lotto 6/45 jackpot prize, napanalunanan ng isang mananaya mula Agusan del Sur

Isang mananaya ang masuwerteng nanalo sa draw ng Mega Lotto 6/45 nitong Lunes ng gabi, Marso 6, 2023.

Sa Facebook post ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na-solo ng isang mananayang bumili ng tiket sa Bayugan, Agusan del Sur ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na P12.171 milyon.

Ang mga lumabas na numero ay 26 43 11 18 05 45.

Huling may nanalo sa 6/45 ay noong Pebrero 27.

Ginagawa ang pag-draw tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng alas nuebe ng gabi. — Sherilyn Untalan/RSJ, GMA Integrated News



Higit P12-M Mega Lotto 6/45 jackpot prize, napanalunanan ng isang mananaya mula Agusan del Sur
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu