Ad Code

2 mananaya panalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55

Dalawang mananaya ang tumama sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Mayo 22, 2023, na may kabuuang premyo na P29,700,000.00.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang mga lumabas na mga numero ay 28-32-12-09-18-50.

Sa Facebook page naman ng PCSO, inihayag na mayroon pang 10 mananaya ang nanalo ng second prize na P100,000.00 ang premyo.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45.

Ang lumabas na mga numero ay 31-33-22-43-40-19, at may kabuuang premyo na P17,256,473.40.

Sampu rin ang nanalo ng second prize na P32,000.00 naman ang halaga. —FRJ, GMA Integrated News



2 mananaya, panalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu