Ad Code

Tainga na binuo sa laboratoryo gamit ang tissue ng tao, tagumpay na naikabit sa pasyente

Naiayos ang deformity ng isang pasyente matapos siyang makabitan ng 3D printed na tainga mula sa laboratoryo gamit ang sarili niya ring tissue, na itinuturing na kauna-unahang matagumpay na 3D bioimplant.

Sa ulat ng Next Now, sinabing matapos ang implant, patuloy na bubuo ng cartilage tissue ang lab-grown ear para magmukha itong natural na tainga.

At dahil nagmula rin ito sa mismong tissue ng pasyente, mababa ang tiyansang i-reject ito ng katawan.

Ang pag-implant ay bahagi ng clinical trial tungkol sa pag-aaral sa microtia, isang kondisyon kung saan maliit at hindi maayos na nabuo ang external ear.

Sa ngayon, ang gamutan sa microtia ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-graft ng cartilage mula sa ribs ng pasyente, o paggamit ng synthetic materials tulad ng porous polythylene (PPE).

“The AuriNovo implant requires a less invasive surgical procedure than the use of rib cartilage for reconstruction. We also expect it to result in a more flexible ear,” sabi ni Dr. Arturo Bonilla ng Microtia-Congenital Ear Deformity Institute. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News



Tainga na binuo sa laboratoryo gamit ang tissue ng tao, tagumpay na naikabit sa pasyente
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu