Ad Code

Higit P309-M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, alamin kung may masuwerteng nanalo

Sumampa na sa mahigit P309 milyon ang premyo sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, June 23, 2023.

Ayon sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakahula sa lumabas na kombinasyon ng mga numero na 02-31-47-27-49-55.

Umabot ang kabuuang premyo nito sa P309,763,376.00.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Linggo, Martes, at Biyernes.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numbero ay 42-25-41-24-31-19 , at may premyong P30,316,911.00. —FRJ, GMA Integrated News



Higit P309-M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, alamin kung may masuwerteng nanalo
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu