Ad Code

Ina, inihanda ang inflatable pool para makatulog ang mga anak kahit bumaha sa bahay

Ipinaghanda ng isang nanay ng inflatable pool ang apat niyang anak para maging ligtas sila sa baha sa kanilang bahay sa Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing Biyernes pa lamang ng gabi, inihanda na ni Mary Jane Genobe ang mga nakatagong inflatable pool at doon na pinatulog ang mga anak.

Kaya nang pumasok ang baha sa kanilang bahay, hindi na naistorbo pa ang kaniyang mga anak sa pagtulog.

Nagmistulang instant playground na rin ang kanilang inflatable pool, na siguradong ligtas dahil nakatali sa upuan at sarado ang pinto ng bahay. — Jamil Santos/VBL, GMA News



Ina, inihanda ang inflatable pool para makatulog ang mga anak kahit bumaha sa bahay
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu