Ad Code

32 Pinoy, 10 iba pa, sinagip mula sa nasusunog na fishing vessel sa Pacific Ocean

Sinagip ang 32 na Pinoy at 10 pang ibang sakay ng isang nasunog na fishing vessel sa hilagang bahagi ng Pacific Ocean noong nakaraang Linggo.

Ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras, sinabi ng Chinese Embassy na mga crew ng fishing vessel na “Hsiang Ching” ang mga sinagip.

Agad namang tumulong ang kalapit na fishing vessel na “Yong Fa 1” nang makita ang apoy sa pangisdang bangka.

Dagdag ng Chinese Embassy, isang Pilipino crew ang nawawala. Hinanap umano ng mga tauhan ng Yong Fa 1 ang Pinoy pero hindi pa rin natagpuan.

Nag-abot ng pakikisimpatiya at dasal si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa nawawalang Pinoy.–Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News



32 Pinoy, 10 iba pa, sinagip mula sa nasusunog na fishing vessel sa Pacific Ocean
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu