Ad Code

Mag-live in partner, huli sa pagbebenta umano ng P136K halaga ng shabu sa Bulacan

Arestado ang isang mag-live in partner dahil sa pagbebenta ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000 sa Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat ni James Agustin sa “Unang Balita” nitong Martes, sinabing nadakip ang mga suspek na sina Roselle Santos at kaniyang kinakasama na si Roberto Cruz Lunes ng gabi.

Nakuha mula sa kanila ang nasa dalawampung gramo ng shabu.

Ilang buwan pa lamang nangungupahan sa Bulacan si Santos, na nagmula sa Las Piñas City.

Sinabi ng pulisya na nanggagaling ang ibinibenta nilang droga sa Metro Manila at ibinibenta sa Guiguinto.

Ayon kay Santos, nagkaroon ng mild stroke ang kaniyang kinakasama kaya niya nagawa ang pagbebenta.

May nakuha ding kalibre .38 na baril mula kay Cruz, pero iginiit niyang may nagpatago lang sa kaniya nito. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News



Mag-live in partner, huli sa pagbebenta umano ng P136K halaga ng shabu sa Bulacan
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu