Ad Code

Amerikanong pumatay sa misis niyang Pinay, kulong ng habambuhay; biktima, ‘di pa rin nakikita

Hinatulang ng korte sa Colorado, USA na makulong ng habambuhay at walang parol ang Amerikanong pumatay sa kaniyang 28-anyos na Pinay na misis na hindi pa rin nakikita ang bangkay hanggang ngayon.

Guilty ang hatol sa kasong 1st degree murder laban kay Dane Kallungi, 42-anyos, kaugnay sa pagpatay sa kaniyang asawa na si Jepsy Amaga Kallungi, na nangyari noong 2019.

Bukod sa naturang kaso, hinatulan din si Dane na guilty rin sa kasong tampering with a human body.

Marso 2019 nang iulat na nawawala ang biktima. Pero lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na pinatay siya ng kaniyang mister.

Sa kalagitnaan ng imbestigasyon, biglang nagtago sa si Dane. Hanggang sa maaresto siya sa New Maxico at ibinalik sa Colorado.

Inamin ni Dane sa interegosyon na pinatay niya sa sakal ang kaniyang asawa at itinapon ang katawan nito.

BASAHIN: Pinay na 2 taon nang nawawala sa Colorado, pinatay ng mister

Hangang ngayon, hindi pa rin nakikita ang katawan ng biktima.

Bago mawala, sinabi ng pamilya ng biktima na nagsusumbong ito kaugnay sa ginagawang pananakit sa kaniya ng mister.–Dave Llavanes Jr./FRJ, GMA Integrated News



Amerikanong pumatay sa misis niyang Pinay, kulong ng habambuhay; biktima, ‘di pa rin nakikita
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu