Ad Code

Lalaking nagtago ng ilang taon matapos kasuhan ng pananakit sa menor de edad, naaresto na

Nadakip na sa Metro Manila ang isang lalaki na nagtago ng ilang taon dahil sa ginawang pananakit umano sa kapitbahay na menor de edad na nakaaway ng kaniyang anak sa Leyte.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi ng awtoridad na nag-ugat ang kaso matapos na mabaril umano ng menor-de-edad na biktima sa mukha ang anak ng suspek gamit ang pellet gun.

Nangyari ang insidente sa McArthur, Leyte noong 2008. Pero nang makasuhan ng child abuse ang suspek dahil sa ginawang pagpatol sa nakaaway ng kaniyang anak, nagtago na ang suspek.

Aminado naman ang suspek sa kaniyang nagawa dahil daw sa nangyari sa kaniyang anak.

Hindi umano nagawa ng suspek na makapagsampa ng kontra-demanda laban sa kaniyang kapitbahay kaugnay ng ginawa sa kaniyang anak dahil naunahan daw silang masampahan ng kaso na dahilan para siya magtago.

Sa kabilang nito, nakiusap ang suspek sa kaniyang kapitbahay na iurong na ang demanda sa laban sa kaniya na labis umanong nakaapekto sa kaniyang pamumuhay.–Jiselle Casucian/FRJ, GMA Integrated News



Lalaking nagtago ng ilang taon matapos kasuhan ng pananakit sa menor de edad, naaresto na
Source: Filipino Viral News PH

Post a Comment

0 Comments

Close Menu